Courage: My 1st Attempt to Write for Kids

I’ve always wanted to be a writer of children’s storybooks. This is one of my first attempts at it. I’ll try to translate it to English soon.

———
Title: Kaya Ko Kaya?

Akyat. Baba. Akyat. Baba.

Kunot noong pinagmamasdan ni Tatay Angelino ang kanyang sampung taong gulang na anak na si Nina habang akyat-baba ito sa kanilang hagdan. “Anak, ano bang nangyayari sa iyo at parang hindi ka mapakali?” nag-aalalang sabi niya.

“Papa, hindi ko talaga kaya! Gusto ko pero natatakot ako,” hindi matiyak ni Nina kung sasabihin ba niya sa ama ang kanyang problema.

“Naku, may problema pala ang aking anak! Bakit hindi mo sabihin kay Papa at baka matulungan ka niya,” may lambing ang boses ni Tatay Angelino.

“Sasabihin ko ba sa kanya?” tanong ni Nina sa sarili. “Errr…eh kasi Papa inannounce ni Teacher Norma sa klase na may Poster-Making contest na naman sa school namin. Gusto ko sanang sumali kaya lang hindi ko yata kaya,” paliwanag ni Nina.

Napangiti si Tatay Angelino. “Anak, bakit hindi mo subukan. Naniniwala ako sa iyong kakayahan. Kayang kaya mo yun!”

“Papa, natatakot nga ako! Baka hindi nila magustuhan ang drawing ko. Baka pagtawanan lang nila ako. Nakakahiya! Saka alam ko namang may mas magaling pa sakin magdrawing sa klase,” sabi ni Nina.

Niyakap ng mahigpit ni Tatay Angelino si Nina. “Anak, hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba. Ang importante, sundin mo ang sinasabi ng iyong puso at kung saan ka masaya. Kung gusto mong lumikha ng mga magagandang larawan, gawin mo ito. Dahil ipinagkaloob ito ng Diyos sa iyo at kailangan mong ibahagi sa iba.”

Mahigpit na yumakap si Nina sa kanyang ama. Bukas na bukas din, alam na niya ang kanyang gagawin.

Advertisements

Posted on June 1, 2012, in Etcetera and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Let me know what you think.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: